Sekyung holdaper arestado

CAVITE, Philippines - – Rehas na bakal ang binagsakan ng 28-anyos na security guard matapos arestuhin ng pulisya kaugnay sa panghoholdap sa pasahero ng jeepney sa kahabaan ng Molino Road, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang suspek  na si Jeffrey Balintong ng San Andres, Malate, Manila. Kinilala naman ang bikitma na  si Erick Rodelas Jr., 27, ng Barangay Molino 4. Base sa police report, nagdeklara ng holdap ang suspek kung saan kinulimbat ang mga personal na gamit ng biktima. Nakatiyempo naman ang biktima na sipain ang suspek palabas ng jeepney kung saan nakatawag ng pansin sa mga pulis na lulan ng mobile car. Narekober naman sa suspek ang mga gamit ng biktima.

Show comments