Nene pisak sa jeepney

BULACAN, Philippines - – Maagang sinalubong ni kamatayan  ang 4-anyos na nene matapos itong masagasaan ng pampasaherong jeepney sa Barangay Wawa, bayan ng Balagtas, Bulacan kamakalawa ng umaga. Hindi na umabot pa ng buhay sa Balagtas Doctor’s Hospital ang biktimang si Ro­xanne Sillano ng Barangay Tiaong sa bayan ng Guiguinto.  Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng jeepney na si Loreto Concepcion, 58, ng Brgy. Bunsuran III sa Pandi, Bulacan. Ayon kay PO1 Gerald Manalo, nakabitiw sa pagkakahawak ng ina ang biktima habang naglalakad kasama ang tatlo pang kapatid sa gilid ng McArthur Highway. Gayon pa man, hinabol ng nanay ang biktimang nagtatakbo sa harap ng jeepney terminal kaya nahagip ng sasakyan (CWJ-532) ni Concepcion.

Show comments