Tsinay trader dedo sa holdaper

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Pinabulagta ang 60-anyos na Tsinay trader na nanlaban sa dalawang di-kilalang lalaki matapos itong pagbabarilin sa tapat mismo ng kanyang bahay sa Barangay Rizal, bayan ng Roxas, Isabela kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Chief Insp. Nelson Vallejo, hepe ng Roxas PNP ang biktima na may-ari ng rice buying staTion na si Anita Uy. Lumalabas sa imbestigasyon na hinarang ng dalawang holdaper ang biktima habang pasakay sana sa traysikel. Nakipag-agawan ang biktima habang hinahablot ang kanyang bag na naglalaman ng malaking halaga subalit nairita ang dalawa kaya pinutukan ang matanda. Natangay naman ang bag ng matanda bago tumakas ang dalawa lulan ng motorsiklo.

Show comments