Supporter ng kandidato, itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines -  - Pinaniniwalaang may bahid-pulitika ang pagpatay sa 35-anyos na magsasaka matapos itong ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa harapan ng kanilang bahay sa Barangay Pitogo, bayan ng Cataingan, Masbate kamakalawa ng gabi. Bandang alas-9 ng gabi nang itinumba ang biktimang si Rizalde Cueva sa harap mismo ng kanyang asawa’t anak. Sa police report, lumilitaw na lumabas ng bahay ang biktima matapos itong tawagin ng grupo ng kalalakihan. Gayon pa man, ilang minuto ang nakalipas ay pinagbabril ang biktima kung saan nasaksihan pa ng kanyang misis at anak. Napag-alamang tagasuporta ng isang kandidato sa pagka-barangay chairman ang biktima kaya pinatahimik ito.

Show comments