8-anyos patay sa sagasa

NORTH COTABATO , Philippines   â€“ Kamatayan ang sumalubong sa 8-anyos na mag-aaral makaraang mahagip ng sasakyan habang papasok sa eskuwelahan sa Barangay Maltana sa bayan ng Tampakan, South Cotabato kamakalawa. Naisugod pa sa South Cotabato Provincial Hospital subalit binawian ng buhay ang biktimang si James Patrick Andrias, Grade 3 pupil sa Maltana Elementary School.Tumatawid umano sa pedestrian lane ang biktima patungong paaralan nang mabangga ng humaharurot na pick-up kung saan tumakas matapos ang insidente. Nabatid na panganay ang biktima sa tatlong anak ng mag-asawang James at Concepcion Andrias.

Show comments