Misis ni-rape slay ng adik

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 37-anyos na misis na pinaniniwalaang ginahasa muna saka pinagsasaksak ng di-kilalang lalaki ai sa Barangay Panagan, bayan ng Lagonoy, Camarines Sur kamakalawa. Bandang alauna ng hapon nang matagpuan ang duguang katawan ni Myrna Buenflor na walang saplot sa katawan at tadtad ng saksak. May ilang metro lamang ang layo ng bahay sa kinatagpuan ng kanyang bangkay. Pinaniniwalaang kakilala ng biktima ang killer na sinasabing adik sa bawal na droga kaya pinatahimik ito.

Show comments