School teacher dinedo ng utol

NUEVA ECIJA , Philippines   â€“ Napaslang ang 45-anyos na public school teacher matapos itong pagsasaksakin ng nakatatanda nitong kapatid na lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Mindanao, Barangay Dampulan sa ba­yan ng Jaen, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon. Nai­sugod pa sa San Antonio District Hospital sa bayan ng San Antonio subalit idineklarang patay ang biktimang si Norlina Flores Bernarte. Samantala, nasakote naman ang suspek na si Ramir Bernarte, 48, may-asawa, jobless, kapwa nakatira sa Barangay Dam­pulan sa nasabing bayan. Bandang alauna y medya ng hapon nang sumiklab ang pagtatalo ng mag-utol sa hindi nabatid na dahilan hanggang sa maganap pamamaslang.

 

Show comments