Bunso pinugutan ni kuya

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Pinugutan ang 38-anyos na magsasaka ng kanyang kuyang barangay kagawad matapos niyang hamunin ang pagiging opisyal nito sa Barangay Elizaga, bayan ng Gattaran, Cagayan noong Bi­yernes.

Kinilala ni Cagayan PNP Director P/Senior Supt. Gregorio Lim ang biktima na si Berlino Deuz habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Kagawad Robert Deuz 42.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagwawala ang biktima sa sobrang kalasingan kung saan hinamon pa ng patayan ang kanyang utol na nagtangkang payapain siya.

Gayon pa man, patuloy pa rin sa pagwawala ang biktimang muling pinapayapa subalit naubos ang pasensiya ng suspek kaya tinigpas ang ulo ng kapatid.

 

Show comments