4-anyos dedo sa sunog

MANILA, Philippines - Maagang sinalubong ni kamatayan ang 4-anyos na totoy matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Barangay Taligaman, Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa. Sa police report na isinumite ni P/Supt. Martin Gamba sa Camp Crame, halos hindi na makilala sanhi ng grabeng pagkasunog ang biktimang si Jemerson Chanjueco. Naganap ang sunog sa tahanan ni Jerome Chanjueco, ama ng biktima sa Purok 5 bandang alas-9 ng umaga. Nabatid na nilaro ng biktima ang lighter kasama ang utol nitong si Jemuel at ang batang kapitbahay kung saan sa hindi inaasahang pagkakataon ay napadikit ang apoy sa kurtinang tela sa loob ng kanilang bahay. Mabilis na kumalat ang apoy na tumupok sa buong kabahayan habang nakaligtas ni Jemuel at ang kalaro nitong bata matapos na tumakbo palabas ng bahay.

Show comments