Trader nagbigti dahil sa utang

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Dinamdam ng 61-anyos na trader ang matinding problema sa mga nani­ningil sa kanyang pagkakautang kaya nagdesisyong magbigti sa bakuran ng kanilang bahay sa Barangay Atulayan Sur, Tuguegarao City, Cagayan noong Miyerkules. Ayon kay P03 Dennis Calucag, huling namataang buhay ang biktimang si Rodolfo Oliver Sr. na matamlay at nakatitig lagi sa malayo bago isagawa ang pagpapakamatay sa katayan ng hayop sa tabi ng kanilang tahanan. Ayon sa anak ng biktma na si Rodolfo Jr., masyadong ininda ng kanilang ama ang problema sa mga naniningil ng mga pinagkakautangan sa kanilang lugar kaya naisipan nitong makipagtipan na lamang kay kamatayan.

Show comments