Ama kinatay ng 4-kaalitan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - – Napatay ang 61-anyos na ama habang malubha naman ang anak nitong lalaki makaraang pagtatagain ng apat na kalalakihang nakaalitan ng mag-ama sa Barangay Tinangis, bayan ng Pili, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot ng buhay sa Bicol Medical Center ang biktimang si Arnulfo Arcilla, biyudo habang nasa kritikal naman ang anak na si Ricky Arcilla. Samantala, pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na sina Joel “Cuyo” Nava, Salvador “Adong” Roxas, Jerry Dolores at Jerry Barra na pawang nakatira sa nasabing barangay. Naunang nakaaway ng mag-ama ang mga suspek sa hindi nabatid na dahilan kung saan umuwi na lamang sa kanilang bahay ang mga biktima para hindi na humaba ang usapan. Subalit niresbakan ng mga suspek ang mag-ama at pinagtulungang pagtatagain sa loob ng kanilang bahay.

Show comments