Estudyante pinatay sa bugbog

MANILA, Philippines - Masaklap ang sinapit na kamatayan ng isang 19 anyos na estudyante sa kolehiyo matapos itong paslangin sa bugbog ng kaniyang upper classmen sa bisinidad ng isang eskuwelahan sa Mariveles, Bataan kamakalawa.

Sa ulat ni Bataan Provincial Police Office (PPO) Officer-in-Charge Sr. Supt. Audie de Mesa Atienza, kinilala ang nasawing biktima na si John Mark Dugan, residente ng Malabon City at estudyante ng Maritime Academy of Asia and the Pacific (MAAP).

Arestado naman ang suspek na si Felgem de Dios, 21 anyos, residente ng Summit View Subdivision, San Rafael, Rodriguez, Rizal.

Sa ulat, dakong alas-10 ng gabi ng maganap ang insidente sa loob ng school campus sa Brgy. Alasasin, Mariveles, Bataan.

Bigla na lamang uma­nong sinugod ng sunud-sunod na bugbog ng suspek ang nasorpresang biktima na hindi na nakabangon matapos paghahampasin ng matigas na bagay kung saan idineklara itong dead-on-arrival sa pagamutan. Isinasailalim na sa masu­sing imbestigasyon ang kaso.

 

Show comments