Mga provincial jail sa Bicol region isasailalim sa BJMP

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isasailalim sa kontrol ng Bureau of Jail Management ang Penology (BJMP) ang mga provincial jail sa Bicol kaugnay sa pagdaraos ng barangay election sa Oktubre 28. Ito ang kahilingan ni P/Chief Supt.Clarence Guinto sa Commission on Elections  (Comelec) na isailalim sa pamamahala at kontrol ng BJMP  ang lahat ng provincial jail sa Kabikulan.  Nabatid na noong national election, ang Bicol region ang naging modelo ng bansa dahil isinailalim ang mga provincial jail sa kontrol ng BMJP. Sa ipinalabas na resolution ng Comelec, lahat ng provincial jail ay nasa kontrol ng BJMP ngayong election period lamang upang hindi magamit ang mga bilanggo sa mga ilegal na aktibidad ng mga politiko.

Show comments