MANILA, Philippines - Umaabot sa P2 milyong halaga ng ari-arian ang nataÂngay ng grupo ng Akyat-Bahay Gang makaraang looban ang ipinatatayong bahay ng 45-anyos na seaman sa Purok 3, Barangay Libertad sa Butuan City, Agusan del Norte, kamakalawa. Sa inisyal na imbestigasyon ng Theft and Robbery Unit ng Butuan City PNP, nagawang pasukin ng mga kawatan ang bahay ni Allan Custoya Cubillas matapos wasaÂkin ang bintana sa guest room sa unang palapag. Kabilang sa mga gamit na tinangay ay ang electric wires sa buong bahay, pitong sliding doors, window grills, hagdanan, toilet bowl, 200-metro ng water hose, at ang Jecmatic pump. Sa follow-up investigation ay natukoy naman ang tatlo sa mga suspek matapos na ibenta ng mura sa tatlong residente kabilang ang isang negosyante ang bahaging ninakaw ng mga ito sa biktima. Pansamantalang hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek upang hindi mabulilyaso ang dragnet operations.