RIZAL, Philippines - Dalawang katao ang nasawi habang pito ang nasugatan matapos na bumangga ang pick-up sa punungkahoy sa kurbadang kalsada sa Brgy. Sipsipin sa bayan ng Jala-jala, Rizal kahapon ng uÂmaga. Idineklarang patay sa Ynares Municipal Hospital ang mga biktimang sina Eddie Jarquio, at Jenny Ordas, kapwa nakatira sa Barangay NioÂgan, bayan ng Pililla, Rizal. Kabilang sa mga sugatan ay sina Bernard Tomono ng Brgy. Malaya; Ramirez Realyn ng Brgy. Malaya; JeÂrome Mercado ng Barangay Niogan; Rose Ann Gellido ng Barangay Niogan; Anna Lato ng Brgy. Quisao; Kim Kelly De Leon ng Barangay Malaya; at si Joan Gonzal ng Brgy. Wawa, Pililla. Ayon kay PO3 David Golla, nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber ng sasakyang Isuzu Fuego (XFF-874) pagsapit sa kurbadang highway kaya sumalpok sa punungkahoy na nasa gilid ng kalsada. Tumilapon ang mga biktima mula sa sasakyan kung saan namatay ang dalawa.