Magka-live-in nilikida

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang magka-live-in matapos pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Aseniero, Dapitan City, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktima na sina Joel Pangilinan, 30; at live-in nitong tinukoy sa pangalang Leticia. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril ang kapitbahay na si Felix mula sa tahanan ng magka-live-in. Ilang saglit pa ay ilang kalalakihan ang namataang tumatalilis mula sa bakuran ng mag-asawa. Kinabukasan, nadiskubre ang bangkay ng magka-live-in na kapwa tadtad ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Show comments