2 ex-NIA employees nilikida

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Napatay ang dalawang retiradong kawani ng National Irrigation Administration (NIA) sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa lalawigan ng Isabela kamakalawa. Kinilala ang mga biktima na sina Carlito Mercado, 55, ng Purok 4, Brgy. Bulanao, Tabuk City, Kalinga; at Marianito Santiago, 58, ng Barangay San Fernando, Alicia, Isabela.
 Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. John Colinio, nagpapalit ng gulong ng kanyang sasakyan si Mercado malapit sa kanyang tahanan sa Purok 4 nang lapitan at ratratin ng riding-in-tandem gunmen.
 Samantala, napatay din si Santiago sa kanyang bahay matapos barilins a batok ng di-kilalang lalaki sa nabanggit na bayan.

Show comments