Mister pinagselosan, tinodas

BULACAN , Philippines  â€“ Napaslang ang 42-anyos na mister matapos itong barilin ng kapitbahay na lalaki na  inakalang nakikipagrelasyon sa kanyang misis sa Barangay Perez, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Hindi na umabot ng buhay sa Mary Mount Hospital ang biktimang si Jessie Ebio habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Arnel Montenor, 35, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO3 Rafael Brinoza, pinagselosan ang biktima dahil sa pagiging malapit nito sa misis ng suspek kaya naganap ang pamamaslang.

Show comments