Driver todas sa holdaper

BULACAN , Philippines   â€“ Muli na namang naghasik ng karahasan ang grupo ng motorcycle-riding gunmen matapos barilin at mapatay ang driver ng negosyanteng Tsinoy sa Brgy. Bulac, bayan ng Sta. Maria, Bulacan noong Biyernes ng hapon. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Roberto Sim, 35, habang nakaligtas naman sa kapahamakan ang amo nitong si Nona Tiu, 55; at Ruth Rivera, sekretarya ni Tui na pawang nakatira sa Sapang Palay, San Jose Del Monte City. Ayon kay SPO1 Jerry Villamor, patungo sa banko ang mag-aamo para magdeposito ng malaking halaga lulan ng SUV na minamaneho ni Sim nang harangin ng dalawang riding-in-tandem. Napilitang huminto ni Sim matapos barilin ang unahang gulong ng sasakyan. Gayon pa man, binaril din sa dibdib ang biktima saka kinuha ang bag na naglalaman ng malaking halaga. Hindi naman idinamay ang amo ni Sim at ang sekretarya.

Show comments