Dalaga ni-rape slay ng boardmate

CAVITE , Philippines   - Ginahasa muna bago tuluyang pinatay  ang 24-anyos na dalaga ng kanyang kasama sa boarding house makaraang mag-inuman sa ilang  kaibigan sa Trece Martires City, Cavite kahapon ng umaga. Kinilala ang biktima na si Sheryl Bañaria, factory worker, tubong Malicboy, Pagbilao, Quezon at naninirahan sa Purok 6, Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Reynald Gamba, 22,  Barangay Makiling, Calamba City, Laguna at ka-boardmate ng biktima. Lumabas sa imbestigasyon na bandang alas-2:30 ng madaling-araw nang makipag-inuman ang biktima sa suspek kasama ng ibang kaibigan. Nang malasing ay nakatulog ang biktima kaya naisagawa ang maitim na balak kung sa pinatay pa ang dalaga.

 

Show comments