CoP, 2 tauhan itinumba

MANILA, Philippines - Napatay ang hepe ng pulisya at dalawang tauhan nito makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Amry sa madilim na bahagi ng eskuwelahan sa bayan ng Arteche sa Eastern Samar kamakalawa ng gabi. Sa inisyal na ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame kinilala ang mga biktima na sina P/Supt. Alberto Ayad, hepe ng Arteche PNP; PO1 July Juliata at si PO3 Glorioso Nebril. Base sa police report, nagpapatrulya ang mga biktimang lulan ng service vehicle sa bahagi ng Barangay Central ng ratratin ng mga armadong lalaki na sinasabing grupo ng New People’s Army sa madilim na bahagi ng Arteche Elementary School bandang alas-9 ng gabi.

 

Show comments