Lolo huli sa indiscriminate firing

MANILA, Philippines - Bagsak kalaboso ang isang 64 anyos na lolo matapos itong masangkot sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa Bel –Air III, Brgy. Loma, Biñan City, Laguna kamakalawa ng gabi.

 Sa ulat ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director PSr. Supt. Pascual Muñoz Jr., kinilala ang nasakoteng suspek na si Graciano Rabang, caretaker at residente ng  Blk-88, Lot 7, Phase III, Laguna Bel Air III, Brgy Loma ng lungsod.

 Bandang alas-11:15 ng gabi ng magpaputok ng baril ang nasabing lolo sa kanilang lugar na naghasik ng matinding takot sa mga residente sa subdibisyon.

 Narinig naman ng dalawang security guard sa subdibisyon na sina Arvin Lopez at Ramson  Gallego ang umalingawngaw na mga putok ng baril na nag­resulta sa pagkakaaresto ng mga nagrespondeng pulis sa suspek.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng suspek ang isang pirasong cal.9 MM Taurus na may isang magazine na may 11 bala at mga basyo ng bala ng naturang armas.

 

Show comments