Bumbay dedo sa tandem

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Napatay ang 38-anyos na Bumbay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng national highway sa Barangay Lang-ayan, bayan ng Currimao, Ilocos Norte noong Martes ng umaga. Kinilala ang napaslang na si Jaswinder Singh, 38, negosyante, ng Barangay Cangrunaan, Batac City habang nakaligtas naman ang pinsan itong si Amarinder Singh. Sa imbestigasyon ng pulisya, magkasama sa kotse ang magpinsan patungong norte mula sa Ilocos Sur nang ratratin ng tandem.

Show comments