4-buwang buntis, nagbigti

QUEZON , Philippines   â€“ Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 29-anyos na misis na sinasabing hindi matanggap ng pamilya ng kanyang mister ang ipinagbubuntis kamakalawa ng madaling-araw sa Barangay Madulao, bayan ng Catanauan, Quezon. Bandang alauna ng madaling-araw nang matagpuan ng tiyuhin ang biktimang si Criselda Señora  na apat-na-buwang buntis. Bago isinagawa ng biktima ang pagpapatiwakal ay naikwento nito sa kanyang mga kaanak na ayaw tanggapin ng mga magulang ng asawa ang kanyang ipinagbubuntis. Pinaniniwalaang naaburido ang biktima sa kanyang kalagayan kaya nagbigti.

Show comments