Driver utas sa road mishap

MANILA, Philippines - Patay ang isang driver habang sugatan ang isa pa matapos na magkasalpukan ang kanilang kinalululanang tricycle sa bayan ng Baras,Rizal kahapon ng madaling araw.Hindi na umabot pa ng buhay sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang biktimang si Jaime Mogada Jr., nasa hustong gulang, na nagmamaneho ng Honda Bravo 4547 NC na mayroong side car, habang sugatan ang isa pang biktima na nagmamaneho naman ng Suzuki 125 8685 UT na mayroon ding side car na minamaneho naman ni Nerwin Molato, 28, ng Talipapa, Caloocan City. Lumilitaw sa pagsisiyasat ni PO1 Arthur Manlangit na naganap ang insidente sa kahabaan ng Sitio Kapatagan, Brgy. Pinugay, Baras, Rizal, dakong ala-1:15 ng madaling-araw.

Show comments