Misis ipinagahasa ng live-in partner

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Sinampahan ng pulisya ng kasong rape ang isang 36-anyos na mister matapos nitong ipahalay ang kanyang live-in partner sa kanyang kaibigan na umano’y nasa impluwensya ng alak habang pinanonood pa nito ang nasabing kalaswaan sa Brgy. Angguan, Rizal, Cagayan kamakalawa.

May hang-over pa nang damputin ng mga pulis sina Joy Bambalan 36-anyos na live-in partner ng 22-anyos na biktimang itinago sa pa­ngalang Rita at Oli­ver Palattao, 31 na kaibigan ng mister.


Sa ulat, sinabi ni Caga­yan Valley Provincial Police Office Spokesman Supt. Fer­nando Cristobal, luma­labas sa imbestigasyon na langong umuwi si Bambalan at isinama ang kaibigan sa kanilang kuwarto ng ka live-in na nadatnan nilang natutulog.


Ayon sa biktima, tinutukan siya ng patalim ng ka-live-in habang kumu­babaw na sa kanya ang hubo’t hubad na kaibigang si Palattao.

Nagsuplong ang biktima sa pulisya na nag­resulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Show comments