3 katao kinatay

MANILA, Philippines -  Tatlo katao kabilang ang dalawang menor de edad ang brutal na pinaslang matapos na tadtarin ng saksak sa loob ng tent na tinutulugan ng mga ito sa bayan ng Kabacan, Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 12 Director P/Chief Supt Charles Calima ang mga nasawing biktima sa mga alyas lamang ng mga itong Owen, 14; Butsoy 12 at Jony, 20; pawang ng Carmen, Cotabato.

Nabatid na ang mga biktima ay nagtratrabaho sa isang negosyante ng itik na si Kidlat Mangidra Samandalan sa Kabacan at natutulog na ng pagsasaksakin ng hindi pa nakilalang mga salarin.

 Bandang alas-6 ng umaga nitong Biyernes ng madiskubre ang krimen sa loob ng tent ng mga biktima na nagkalat ang dugo. Nagsasagawa na ng follow-up investigation sa kasong ito ang mga awtoridad.

 

 

Show comments