BULACAN, Philippines – Nalalagay sa balag ng alangaÂning masibak sa hanay ng pulisya at makulong ang magkalaguyong pulis na sinasabing naaktuhang magkasiping matapos magÂreklamo ang tunay na misis sa Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan kahapon ng madaling-araw.
Nahaharap sa kasong administratibo at kriminal ang mag-lover na sina PO2 Christopher Ramiscal, 33; at PO1 Michelle Collado, 33, kapwa nakatalaga sa Malolos City PNP.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO2 Marissa Rocero ng PNP-Women’s and Children Complaint Desk sa Camp Alejo Santos, lumilitaw na pinuntahan ng misis ni PO2 Ramiscal na si Rossette ang isang bahay sa Alido Hieghts Subd. upang kumpirmahin ang nakita nitong larawan sa facebook kung saan nagaganap ang inuman na dinaluhan ng kanyang mister kasama ang iba pang kaibigan.
Sinubukang tawagan ni Rossette ang kanyang mister ngunit hindi ito sumasagot sa cell phone kaya palihim na nilapitan ang nakabukas na bintana ng bahay.
Gayon pa man, bumulaga kay Rossette ang kanyang mister at PO1 Collado na magkatabing natutulog na kapwa walang saplot sa katawan.
Sa halip na komprontahin ang magkalaguyo ay minabuting magtungo sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang daÂlawa habang hindi naman nakuha ang panig ng dalawang pulis matapos itong di-na sumipot sa kanilang trabaho.