Chainsaw operator nilikida

NORTH COTABATO , Philippines   - Napatay ang 35-anyos na chainsaw operator makaraan barilin ng dalawang di-pa kilalang lalaki sa Purok Krislam, Barangay Poblacion sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni P/Chief Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Joel Noah Jr., may asawa, ng Upper Mundog Subdivision, Kidapawan City. Sa police report, si Noah ay nagtamo ng tama ng bala sa likuran ng katawan na tumagos sa dibdib. Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nabatid na ang biktima ay sinasabing sangkot sa pagtutulak ng iligal na droga at pagnanakaw ng motorsiklo. Wala namang narekober na basyo ng bala ng baril sa crime scene habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments