Lalaki inutas ng karibal

BULACAN, Philippines – Pinabulagta ang 22-anyos na lalaki matapos ratratin ng kanyang karibal sa pag-ibig sa Barangay Poblacion, bayan ng Pulilan, Bulacan kamakalawa ng gabi. Namatay habang ginagamot sa Good Shepherd Hospital ang biktimang si Raymark Dela Cruz ng Barangay Balatong -B habang pinaghahanap naman ang suspek na si Mark William Evangelista ng Brgy. Poblacion. Base sa police report,  naglalakad sa bahagi ng Olympia Subdivision ang biktima kasama ang kasintahan at tatlong kaibigan nang lapitan at pagbabarilin ng suspek na sinasabing dating manliligaw ng kasintahan ni Dela Cruz.

Show comments