Trader hinoldap sa gasolinahan

BULACAN, Philippines – Aabot sa P.1 milyong cash ang tinangay ng mga armadong kalalakihan matapos holdapin ang 36-anyos na negosyanteng misis sa gasolinahan sa Barangay Ilang-Ilang, bayan ng Guiguinto, Bulacan kahapon. Na­ngangatog pa sa takot nang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Eugenia Figuroa, pharmacist at nakatira sa Barangay Sta. Cruz sa nasabing bayan. Ayon kay SPO1 Ariel Modelo, nagpagasolina ng kanyang SUV ang biktima matapos itong mag-withdraw ng malaking halaga sa banko nang lapitan at holdapin ng apat na kalalakihang lulan ng dalawang motorsiklo. Tumakas naman ang mga holdaper patungo sa bahagi ng Balagtas, Bulacan.

Show comments