Ex-Army colonel itinumba

MANILA, Philippines - Napatay ang 64-anyos na retiradong colonel ng Philippine Army matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa naganap na ambush sa Amansec Road, Barangay Buenlag, bayan ng Mangaldan, Pangasinan kamakalawa ng tanghali.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ni Pangasinan PNP director P/Senior Supt. Marlou Chan ang biktima na si (Ret.) Lt. Col. Adelio Amansec.

Nabatid na naglalakad ang biktima patungo sa Mabalot Store nang biglang lapitan at pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan na magkaangkas sa itim na motorsiklo.

Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

 

Show comments