Rambol sa bar: Mister dedo

CAVITE, Philippines -  Napatay ang isang mister habang isa pa ang malubhang nasugatan matapos sumiklab ang rambulan sa  videoke bar sa Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Joel Baquit ng Barangay Bayan Luma sa Imus City, Cavite habang sugatan naman si Jerson Sevilla, 25, ng Jose Abad Santos Avenue sa Barangay Salawag. Isa sa mga suspek ay nakilalang si Eduardo “Jogie”  Javier ng Barangay Salitran sa nasabing lungsod. Sumiklab ang rambulan sa Eljane Videoke Bar matapos malango ang dalawang grupo ng kalalakihan kung saan napatay ang biktima.

Show comments