Tiktik ng militar itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinabulagta ang 44-anyos na mister na sinasabing asset ng militar at pulisya matapos itong pagbabarilin ng tatlong kabataang miyembro ng New People’s Army sa balko­nahe ng kanilang bahay sa Barangay Palale, bayan ng Bulan, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Base sa ulat ng pulisya, nagmemeryenda sa balkonahe ng bahay ang biktimang si Ronald Galias Golimlim kasama ang kanyang misis na si Susanna nang lapitan at ratratin.Hindi naman idinamay ang misis ng biktima kung saan tumakas ang gunmen na animo’y walang naganap na pamamaril.

Show comments