TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nailugso ang pagkababae ng 23-anyos na dalaga na sinasabing may diprensya sa pag-iisip makaraang pagtripan ng apat na senglot na pilahan sa abandonadong kubo sa Barangay Bayubay Norte, bayan ng San Vicente, Ilocos Sur kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/Senior Insp. Manuel Viaje, hepe ng San Vicente PNP ang mga suspek na sina Richard Aaron Suyat, Aldwin Bert Fidel at ang mag utol na sina Rex Reyes at Lester Reyes. Nabatid na napagtripan ng mga suspek na lango sa alak ang biktimang niyaya sa nasabing kubo saka isinagawa ang maitim na balak. Nadiskubre ang panghahalay matapos ipagbigay-alam ng biktima sa kanyang mga kaanak kaya nasakote ang mga suspek.