CAVITE, Philippines – Sa trahedya nauwi ang masayang paliligo ng mga kabataan sa ilog matapos na malunod ang isa sa kanila kamakalawa sa bayan ng General Trias, Cavite. Idineklaranga patay sa Divine Grace Medical Center ang biktimang si Aaron John Salvador ng Purok 8, Barangay Bacao 2 sa nasabing bayan. Napag-alamang nagkayayaan ang grupo ng kabataan na maligo sa nasabing ilog kung saan napadako naman ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog. Dahil sa hindi marunong lumangoy ay unti-unting lumubog ito kung saan sinaklolohan naman ng ilang kaibigan subalit hindi na naisalba.