TUGUEGARAO CITY, Philippines- Naaresto ng mga awtoridad ang isang illegal na maÂngingisdang Taiwanese na naaktuhang pumasok sa teritoryo ng karagatan ng Itbayat, Batanes kamakaÂlawa.
Ito’y sa kabila ng kontroÂbersya sa aksidenteng pagkakapatay ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa isa nitong kababayang Taiwanese na nabaril matapos na mahuling nangingisda sa karagatan ng nasabing lugar may ilang buwan na ang nakalilipas.
Kinilala ni Cagayan Valley Police Director Chief Supt. Rodrigo De Gracia ang nasakote na si Tsai Po, 54 ng Taiwan Hshien, Pintung Taiwan.
Agad sinampahan ng kasong paglabag sa Fisheries Law ang dayuhan ng mga nakahuling pulis at kasapi ng “Bantay-Dagat†ng Batanes.
Kinuha rin ng mga awtoridad ang bangka ng Taiwanese na may markang CTR-PT 3512 at mga Âfishing gears nito kabilang ang isang malaking air compressor, ayon pa kay de Gracia.