PCG dinedo sa lamay ng lola

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Napatay ang 30-anyos ng tauhan ng Phil. Coast Guard matapos itong saksakin ng isa sa nakipaglamay  sa burol ng kanyang lola kahapon ng madaling-araw sa Sitio San Vicente, Barangay Dancalan sa bayan ng San Pascual, Masbate.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si July Regalario na nakatalaga sa bayan ng Paracale, Camarines Norte habang sumuko naman sa mga opisyal ng barangay ang suspek na si Jimmy Patropez.

Nabatid na nakikipaglamay ang biktima kasama ang kanyang pamilya sa huling gabi ng burol ng matanda nang lapitan at pagsasaksakin ng suspek na sinasabing lango sa alak.

 

Show comments