Jailbreak: 22 preso pumuga

MANILA, Philippines - Umaabot sa 22- preso ang tumakas mula sa Valencia City Jail, Bukidnon kahapon ng hapon.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Crame, sinabi ni Public Information Office Chief P/Senior Supt. Reuben Theodore Sindac, bandang alas-3:30 ng hapon nang makapuga ang mga preso na pinamumunuan nina Dionecio Daulog, Albert Espinosa at dalawang iba pa na tinukoy sa mga alyas Khalid at Tacoy.

Sinamantala ng mga preso na konti lamang ang bantay sa nasabing piitan kaya naganap ang jailbreak. Sa follow-up operations ay nasakote naman ang isang preso na nakumpiska ang isang shotgun at dalawang get away vehicle.

Show comments