Trader itinumba ng tandem

BATAAN, Philippines – Napaslang ang 55-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng riding-in tandem gunmen sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Wawa, bayan ng Pilar, Bataan kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo si Ro­berto Gonzalez y Ayala,  may-asawa, at sinasabing malapit na kaanak ni dating National Security Adviser  Norbeto Gonzalez. Sa ulat ni PO2 Jeffrey Laverejos na isinumite kay P/Insp. Dennis Orbista, hepe ng Pilar PNP, nakikipag-usap ang biktima sa kapitbahay sa harap mismo ng kanilang tahanan nang lapitan at pagbabarilin ng di-kilalang lalaki. Nakarekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ang cal. 45 pistol.

Show comments