NORTH COTABATO, Philippines - Tatlong sundalo ang nasugatan makaraang masabugan ng improvised explosive device (IED) malapit sa kampo ng militar sa Barangay NabaÂlawag, Midsayap, North Cotabato kahapon ng umaga.
Kabilang sa mga sugatan ay sina S/Sgt Rodulfo Ubugan, Sgt Remond Sapun at Sgt Errick Naranjo, pawang nakatalaga sa Delta Battery ng 7th Field Artillery Battalion ng Philippine Army.
Ayon kay 6th Infantry Division spokesman Col. Dickson Hermoso, maliligo na sana ang mga sundalo sa balon malapit sa detachment ng Charlie Company ng 40th Infantry Battalion nang biglang sumabog ang bomba na gawa sa bala ng 60mm mortar, 9 volts battery at cellp hone bilang triggering mechanism.
Agad namang isinugod ang mga biktima sa Amado Diaz Foundation Hospital sa bayan ng Midsayap bago inilipat sa Camp Siongco Hospital sa headquarters ng 6th ID sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Pinaniniwalaan ng militar na kagagawan ito ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).