Ambush: Mag-asawang guro utas

MANILA, Philippines - Napaslang ang mag-asawang guro habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang tambangan ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng highway sa Barangay Maloong Canal, Lamitan City, Basilan noong Lunes ng hapon. Kinilala ni P/Senior Supt. Mario Dapilloza, Basilan provincial PNP director ang mag-sawa na sina Rodolfo at Gloria Saavedra habang kritikal naman sa ospital ang kasamahang guro na si Joy Cubico na pawang nakatira sa Marketside,Isabela City, Basilan. Nabatid na papauwi na ang mga biktimang magkakaangkas sa motorsiklo mula sa kanilang eskuwelahan nang sundan at ratratin ng tandem bandang alas-2:30 ng hapon.  Tinangay ang motorsiklo ng mag-asawa habang narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal.45 pistol.

Show comments