Ex-PNP official tiklo sa droga

BULACAN , Philippines   â€“ Kalaboso ang binagsakan ng dalawa-katao kabilang na ang 63-anyos na dating PNP official makaraang arestuhin ng mga Phillipine Drug Enforcement Agency-Region 3 sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Perez, Meycauayan City, Bulacan kahapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina ex-P/Supt. Romeo C. Gemzon, dating nakatalaga sa District Anti-Illegal Drugs ng Caloocan City at tauhan nitong si Joel Herrera, 47, kapwa nakatira sa Sto Niño Subdivision, Brgy. Perez sa nasabing lungsod. Nasamsam sa mga suspek ang mark money na P.4 milyon na ginamit sa operasyon, ilang plastic sachet ng shabu at dalawang cell phone na sinasabing ginagamit sa modus operandi ng mga suspek.

 

Show comments