Mister inakalang NPA, dinedo

CAMARINES NORTE , Philippines   - Pinabulagta ang 49-anyos na mister na inakusahang miyembro ng New People’s Army matapos itong pagbabarilin ng tatlong armadong lalaki habang nagdaraos ng kanyang kaarawan sa bayan ng Guinobatan, Albay kamakalawa ng gabi. Nabatid na nagkakasayahan ang biktimang si Andy Cantar at kanyang misis na si Flordeliza nang pasukin at ratratin ng mga armadong lalaki. Samantala, inakusahan naman ni Flordeliza na tropa ng militar ang pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang mister. Sa naging pahayag ni Flordeliza na matagal ng pinagdududahang ng mga sundalo na NPA ang kanyang mister. Mariin namang pinabulaanan ni Lt. Col. Andrew Costelo, commander ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army ang pahayag ni Flordeliza.

 

Show comments