2 mister tinodas ng adik

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Dalawang mister ang nasawi matapos na pagsasaksakin ng nag-iisang lalaki na hinihinalang lango sa ipinagbabawal na gamot  sa Sitio Burabod Barangay Luya, Aroroy, ng lalawigang ito,  kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay nang idating sa Aroroy  Municipal Hospital ang dalawang biktima na sina sina Jolly Esquilona, 34, may asawa, isang manggagawa at residente ng Brgy. Panique ng naturang bayan at Adonis Alcantara, 33, may asawa, operator ng Genset ng DMCI at residente ng Brgy. Cabitan, Mandaon, Masbate.

Pinaghahanap na ng pulisya ang tumakas na suspek na si Joey Mingoy, 35, may-asawa, manggagawa ng nasabi ring lugar.

Sa ulat, dakong alas-10 ng gabi habang ang suspek at biktimang si Esquillona ay kapwa nag-iinuman nang mag-paalam na iihi lamang ang huli. Gayunman, walang malay si Equillona nang sundan siya ng suspek at agad na inundayan ng saksak sa dibdib.

Habang tumatakas suspek ay nasalubong nito ang isa pang papauwing biktima na si Alcantara sakay ng motorsiklo kaya pinara nito. Pagtigil ng sasakyan ay agad na sinaksak ng suspek ang biktima at inagaw ang motorsiklo na ginamit nito sa kanyang pagtakas palayo sa lugar.

Nabatid na bago nakipag-inuman ang suspek sa una nitong biktima ay nakita muna itong sumisinghot ng droga sa lugar.

 

Show comments