Bus swak sa bangin: 35 katao sugatan

MANILA, Philippines - Aabot sa 35-katao kabilang ang 28 mag-aaral, mga guro at opisyal ng Sangguniang Kabataan  ang nasugatan makaraang mahulog ang bus sa malalim na bangin sa bahagi ng San Carlos Heights sa Barangay Quiot, Cebu City, Cebu kahapon ng umaga.

Nabatid na lulan ng bus ang mga guro at estudyante ng Pardo Elementary School sa Barangay Basak, kasama ang ilang opisyal ng SK at mga magulang patungo sa Scalabrini ng lungsod para sa seminar workshop on developing self esteem nang naganap ang insidente. 

Lumilitaw na nasiraan ng preno ang bus kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Christiniano Labrica. Naisugod sa Cebu City Memorial Medical Center ang mga biktima.

Show comments