Ex-pulis na tulak, napatay

KORONADAL CITY, South Cotabato, Philippines – Napaslang ang dating pulis na pinaniniwalaang notoryus na drug pusher habang naa­resto naman ang apat iba pa makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Barangay General Paulino Santos, Koronadal City, South Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si ex-PO1 Mario “Arman” Brasales na sinasabing konektado sa Sto. Niño PNP.

Samantala, isinailalim sa tactical interrogation ang apat iba pang suspek na sinasabing kasabwat ni Arman sa pagtutulak ng bawal na droga.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang Koronadal City PNP mula sa kanilang tiktik kaugnay sa pagtutulak ng droga ng grupo ni Arman.

Kaagad namang inilatag ang drug operation subalit natunugan ng grupo ng drug pusher kaya nakipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya kung saan napatay si Arman.

Show comments