6 dakma sa pot session

BULACAN , Philippines   â€“ Kalaboso ang anim na kalalakihan matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa pot session sa Barangay Perez at Barangay Bayugo sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga kinasuhang suspek ay sina Ronaldo De Guzman, 50, ng Brgy. Bayugo; Joselito De Guzman, 45, ng Brgy. Bancal Ext.; Danilo Pereña, 35, ng Brgy. Longos; Joji Tupas, 25, ng Brgy. Perez; Michael Rodolfo, 28, ng Brgy. Bagbaguin; at si Ruzell Verdadero, 33, ng Brgy. Bayugo. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Rafmil Corpuz, nasamsam sa dalawang bahay ng mga suspek ang ilang gramo ng shabu at drug paraphernalias.

 

Show comments