Rider lasog sa van

CAVITE, Philippines – Patay ang isang binata makaraang tumilapon nang sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang aluminum van sa Bacoor City, Cavite kahapon.

Dead-on-the-spot ang 22-anyos na biktimang si John Carl Borrero, residente ng Brgy. San Agustin Trece Martires City, Ca­vite habang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Runnel Dulatre, 37, residente ng Blk 10 Lot 32 Soldiers 4 Subd. Brgy Molino 6, Bacoor Cavite.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Jesus Bae, bandang 2:15 ng madaling-araw, minamaneho ng suspek ang isang Kama aluminum van na may plakang UJO-921 nang pagsapit sa pakurbang daan ng Governor’s Drive, Brgy Sampaloc 4 ay sumalpok ito sa kasalubong na Honda beat motorcycle na walang plaka. 

Sa tindi ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima at humampas ang katawan at ulo sa sementadong daan kaya agad na nasawi. 

 

Show comments