Simbahan grinanada: 2 sugatan

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasugatan makaraang sumabog ang granadang inihagis ng dalawang ‘di-kilalang lalaki na may ilang metro sa Mt. Carmel Cathedral sa  Barangay Walled City, Jolo, Sulu noong Miyerkules ng gabi. Kinilala ang mga nasugatang biktima na sina Shaina Pakanna, 19, ng Indanan Sulu; at Romano Saijuan, 25, ng Barangay Tulay, Jolo, Sulu. Ayon kay Col. Jose Johriel Cenabre, commander ng 2nd Marine Brigade at Joint Task Force Sulu, naganap ang pagpapasabog sa bahagi ng Gen. Arolas Street dakong alas-7 ng gabi.Nabatid na ihaahgis sana sa harapan ng Mt. Carmel Cathedral pero sumablay ito kung saan ay tinamaan ang dalawang biktima na nag­lalakad.

Show comments